Tuesday, May 15, 2007

Advice

Ang di ko maintindihan lagi.. eh bakit ang dali daling mag-advise sa iba? Pero pag dating sa sarili mo... kahit na malinaw naman na nakikita kung ano ang dapat at tama mahirap pa rin panindigan at pangatawanan?

Sa buhay ko... ilang beses na naiisip ko parang walang nangyayari.. pero kapag iniisip ko yun, bigla naman akong bibigyan ng pagkakataon at maiisip ko naman...LORD!!! Masyado naman atang exciting ito!??!?! Lord talaga...funny ka ha. So eto nanaman... matatauhan ka, totoo pala na talagang lahat sa buhay ng isang tao bunga ng mga dinesisyunan niya. Oh but wait.. there's more... pati sa pagdedesisyon.. may dedesisyunan pa rin! Kailangan pag-isipang mabuti kung ano nga ba ang mas may bigat sa'yo? Ang totoo? O ang tama at dapat?

Kahit sa mismong pagdedesisyun pa lang sa magiging basehan ng desisyon ang hirap na. Sabi ko lagi sa mga kaibigan ko kapag nilalapitan nila ako sa mga ganitong pagkakataon... "strive for balance". Pero eto...naiintindihan ko kung bakit napakahirap hanapin ang lecheng "balance" na yan.. kasi ang tao ata by nature di balanced. In short abnormal tayong lahat! hahahaha.... Palaging may mas gusto at ang masaya diyan... yung gusto mo eh yung hindi puwede! Ang saya talaga ng buhay!?!?!?! So asan na???? Ang sarap ata humithit ng wasabi ng mga panahon na ganito! Ayos un.. diretso utak.. kahit konti makakatakas sa ingay at gulo ng nagsisigawan at nagbabangayan na mga boses sa utak mo. (Uy ah.. wag kayo mag-alala.. di pa naman ako humihithit ng wasabi... whiteboard marker lang!!! Preference: PILOT)

Gusto kong umalis.. gusto kong tumakas...gusto kong matahimik...Ayokong mag-isip... at nakakahiya mang aminin... ayaw kong magdesisyon. Iniisip ko siguro hayaan na lang magpadala, di kaya mas ok na lang yun? Pero.. ayan.. biglang umingay nanaman sa utak ko ang napakalakas na.. HINDE!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ang hirap talaga tumakas.. kung ang tinatakasan mo ang sarili mo.

So.. advice kamo? Ano yun?

No comments: