Tuesday, May 15, 2007

Moments

Moments.. moments.. moments.. funny how we seem to either have none or too much of. Either way, i believe that our lives are truly indeed defined by moments. So??? Ano ngayon? hahaha... para sa mga may kilala na sa akin, am sure iniisip nanaman ninyo na nag-mo-moment lang ako ngayon at TOTOO!!! nagmomoment ako.. emote nanaman...nagsawa na rin siguro kasi akong tumitig sa lava lamp sa kuwarto ko habang nilalangaw ang utak ko kaya ito tinopak nanamang sumulat.

Madalas kasi kapag binabalikan ko ang mga lahat ng nangyayari sa buhay ko, bigla akong mapapatigil kapag natatauhan ako na totoo nga pala na ang mga pinakanaaalala mo eh ang mga sandali na sobrang nagparamdam sayo na buhay ka pa rin at tao kang nakikisalamuha sa mundo araw-araw.

Siyempre iba-iba yan... di lahat masaya. Andyan ang sobrang lungkot.. na maaari na nating tawaging mga "ala-ala ng lumipas na di na dapat balikan pa!!!" Mga panahon na akala mo eh talagang mabubuwang ka. Paano naman kasi... alam mong kahit ilang beses mo pa isipin at pag-aralan ang stratehiya na binuo mo sa utak mo, di pa rin talaga makakatuluyan si Brad Pitt. Ito ang mga pagkakataon na mauunawaan mo at makikita mo ang sarili mo na laging may kulang at lahat tayo eh naghahanap ng kung ano man para mapunan yung kulang na yon...

...Kaya naman nararanasan ang mga moments na tatawagin na nating.. "addict/praning mode". Ito ang mga moments na walang ibang nananaig sa utak at puso kundi takot. Paano kung hindi natin mahanap ang pupuno sa kakulangan.. ??? para tayong mga tigang na lupa na sabik sa halik ng ulan! Hindi mapakali!!! Laging mapapatanong, ito na ba 'yon? Ang buhay ba eh tungkol sa pagtanggap na hindi nga natin talaga mahahanap ang hinahanap natin? (hithit sa yosi tapos inom ng kape sabay kuyakoy) Ang mas nakaka-praning pa... hindi dahil bulag tayo kaya di natin makita at mahanap.. eh paano kung talagang ang hinahanap natin ay hindi totoo? In short... Ilusyonado't ilusyonada tayong lahat! Kaya nga addict mode... idaan na lang lahat sa paghithit ng marker! try niyo talaga pwamis! Asteeg!!!!

At dahil nga praning tayo.. dumadating ang mga alaala ng mga pagkakataon na tatawagin na lang nating... "Engot kasi ako mode" Ayan na... lahat na lang ng masisisi, gustong sisihin pero sa huli lahat ng panghihinayang eh tayo rin ang may dahilan. Mga walang kamatayang "sana"..."kung alam ko lang".. "akala ko kasi".. "sayang...." Kaya nga itong mga ganitong klaseng moments eh nalalaman din natin bilang mga alaala ng gustong balikan!!! At habang pabalik-balik sa utak, paulit-ulit ding pinangangalandakan sa sarili ang katangahan at kamangmangan!

Pero sa lahat siguro... ang pinaka-exciting eh ang mga moments na tatawagin na lang nating.."nakaw na sandali". Tuwing naiisip ko 'to.. lalo kong naiintindihan kung bakit naging epektibo ang titulo ng nobela ni Rizal.. na "noli me tangere". Bakit nga ba kasi ang sarap ng bawal? Pinag-iisipan ko talaga. Dahil kaya malungkot lang tayo? Dahil ba naghahanap lang ng mas exciting? Talaga bang thrill seeker lang ako? Dahil ba madaling magsawa ang tao? Ang daming puwedeng maging dahilan. Pero ang pinaka-masayang paglaruan sa isip eh.. ang katotohanan na baka ang tao di talaga marunong makuntento. Haayyyy....kailan nga ba talaga tayo makukuntento? Kailan ba titigil sa paghahanap? Ano nga ba talaga ang hinahanap ba kasi? Nakakalungkot... bakit ganon? Ang mayron ka rin naman ngayon eh ang mga bagay din na dati'y pinapangarap mo lang.. bakit napakadaling makalimot? Bakit ang hirap umiwas?

Bago pa ako malayo sa pinaka-tema ng blog na 'to. Ang gusto ko lang naman talagang sabihin eh... sa huli kahit na ano pang klaseng moment yan. Kahit na malungkot, masaya, masakit, malufet... ang sarap pa ring danasin. Ang sarap pagdaanan lahat. Nararamdaman ko na buhay pa rin ako. Nararamdaman ko na tao ako at kahit na madalas madaling magpakalunod sa trabaho...may social life pa rin naman pala ako. So ok lang.. keep 'em coming. Go lang! At least marami akong kuwento. Nadagdagan ang kasaysayan ng pagkatao ko. Tutal.. kapag tumanda na ako... kapag talagang tuluyan ng wala ng ibang magawa kundi magpalangaw ng utak.. at least marami akong puwedeng balikan... nakaw man o hindi.

gets niyo????

No comments: