Bago matulog.. habang tulog... at sa paggising.. iisa lang naiisip.
Kailangan DELICIOUS ako today!
Inilalabas lahat ng damit na pang-akit.. pili..pili ng ok para mai-display ang
katawang pangromansa "kuno" na madalas eh ikaw lang naman ang nakakapansin.
Sa jeep.. o cab man... babanat bigla ng joke si Lord.. ipapatugtog ang kanta na tinaguriang "theme song" na para bang nananadya.
Kakabahan bigla.. malapit na.. makikita ko na siya.
Parang matatae...butil butil ang pawis sa noo at dumidikit ang buhok sa batok.
Ayan na.. dumating sa pinaroroonan, hinahanda ang Peripheral Vision.
May shades na pang-bangaw look para lang di mahalatang nagsa-sight.
Pinagpapawisan ang kili-kili...nagiging pasmado bigla.
Kumakabog ang dibdib kasi alam mong dadaan na siya.
At dumaan nga.. nagkasalubong.. iwas tingin. Magpapanggap.
Tinitingnan kung mapapansin ka ba o hindi.
YES! Pinansin ako..."half smile" para cute.
Ayaw magpahalatang sobrang saya... baka isipin "easy"...
Upo sa workstation. Nagdadasal na may nag-email... umaasa..
sana may nagmamahal sa akin... nyek! work related lahat...
Tumititig sa telepono... akala mo may telekinesis na nag-uutos
na may mag-text o tumawag sa'yo.
Uy...nagyayang mag-yosi...to yosi or not yosi? Shemfre.. YOSI na ito!
Ito na.. labanan na ng sulyap tingin. Paramihan ng nakaw na titig. Tingin.. iwas.. iwas.. tingin. Minsan.. nahuhuli din.. kaya patagalan sa pagtititigan. Ang unang yumuko talo.
Ngiti... "show me the close-up smile!" Pang-kodak ito.
Balik workstation...post-yosi time analysis. Swak! Suwabe.. COOLNESS...."I am a love machine." Iniisip kung iniisip din ba siya... Iniisip kung pinagpawisan din ba ang kili-kili niya. Buti na lang... "secret" ito.
Pinaplano kung kailan mag-b-break. Tinatantya para makasabay sa pag-yosi ulit...
kahit na sa totoo di ka naman talaga nagyoyosi. Di alam ng madami.. pero iba ang binibisyo...
Uwian na... kaso alam mong ilang oras pa bago siya log-out.
Tambay ng konti...bonding with friends daw muna.
Nag-aabang lang pala...kasi gusto pang makita.
uy.... labas na siya... napasulyap at yun na. Sapat na.
"Hi".. "Hello"....
Uwi... bukas ulit.
No comments:
Post a Comment