Pera.. Pera.. Pera...Isa sa mga dahilan kung bakit no'ng kabataan eh nagmamadali ng tumanda. Nagfi-feeling kasi tayo na pagtanda natin...madali ng magka-pera. Ilang araw din ata ang iginugol natin sa kaka-imagine sa pagdating ng araw na di na natin kailangang humingi ng pera sa nanay at tatay para bumili ng Bubble Jug or Ouch! Sabay pramis pa na pagtanda mo eh.. magst-stock ka talaga ng chupa chups atsaka tootsie roll atsaka ng plastic balloon!!!! OH BUT NO! Di siya ganon kadali.. in fact.. nakakapikon siya! Ngayon naiintindihan mo na kung bakit sinasabi nila dati na aksaya sa pera ang candy.. aksaya sa pera ang plastic balloon, ang bubble jug, aksaya ang mga bagay na di kailangan. Ngayon nararamdaman na natin sa bawat galaw na lang kailangan maglabas ng pera. Madalas nangangarap na itina-tae na lang sana natin ang pera pero hindi. Masaklap pa eh.. tulad ko...tumae na ng dugo sa kakatrabaho ... ni bente-singkong duling na nalunok ko nong kabataan ko eh di ko pa rin nakita sa inidoro!
Oh well.. sad lang.. iniisip mo kasi dati na kapag may pera ka na.. di mo na poproblemahin ang pera.. pero bakit gano'n.. habang lumalaki ang suweldo.. parang lumalaki din ang problema ko sa pera? Minsan naiisip kong isuggest na lang bumalik tayo sa Barter system.. tutal marami na akong damit na di na kasya sa akin.. Magagamit ko sa pang-exchange..hahahaha.. Ano ba tong pinagsasabi ko? Psycho???
Wala lang.. feel ko lang mag-angst.. lately parang puro pera na lang pino-problema ko at napagpasyahan ko lang na tumahimik muna at mag-emote dito kasi baka matulad ako sa mga taong umiikot na lang ang mundo sa pera. Pero naisip ko rin.. baka isa na nga ako sa kanila.. Viscious cycle ika nga.. nagtatrabaho ako ng mabuti para magka-pera para hindi ko problemahin ang pera. Pera.. so trivial.. and yet.. so NOT trivial.
Pera.. pera.. pera... Bakit nga ba kasi kailangan pang mabuhay tayo sa isang mundo na pera din ang nagpapaikot..? Nakakalungkot talaga.. ok lang sana kung ikaw lang sa sarili mo namumrublema.. pero madalas...mga relasyon mo sa kapamilya.. sa mga kaibigan..pati na sa ka-ibigan na-aapektuhan.. nasisira dahil lang sa pera. Minsan mas nanaisin mo na lang na mag-isa..
Pera...pera.. pera...Ganito ba? Ito na ba yon? Nag-aral...ngayon nagpapagod.. nagsisikap.. vampire lifestyle pa!!! ... para sa pera? Gano'n? Huwag naman sana..
No comments:
Post a Comment